Health Tips

Shipping ng Alagang Manok

Q: Bakit po ba namamatay ang mga siniship na manok?
A: Ito po kadalasan ay dahil sa mishandling o mali po ang sistema bago or during byahe.Tatlong dahilan lang po ang dahilan ng pagkamatay ng manok pag binabyahe.
  1. Pagkawala ng hangin sa box. Di sila makahinga kaya sila namamatay
  2. Sobrang stress, yung pagod nila sa paggilid ng sasakyan o sa eroplano man, mga alog, pagbuhat sa kanila. Nawawalan sila ng lakas para lumaban sa stress na yun kaya sila namamatay.
  3. Heatstroke. Masyadong nag-iinit yung loob ng box at dito pumuputok yung tubo ng puso nila kaya namamatay sila.

Paraan ng tamang shipping ng manok

  • Bigyan ng sapat na pahinga ang manok ng 1 hanggang 2 araw sa malinis at maayos na kulungan.
  • Siguraduhing walang sakit o namumuong sakit. Kung meron man ay gamutin muna bago iship o palitan nalang ng ibang manok.
  • Bigyan ng supplement. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
    • Electrolytes
    • Dextrose- panlaban sa panghihina ng manok
    • Amino Acid- protina na iniinject para hindi bumigay ang manok at hindi sila magugutom 
    Note: May injectable na magkakasama na ang Electrolites+Dextrose+Amino Acid. Mabibili ito sa mga poultry supply. Mag-inject ng 0.5ml. Bago ito ibyahe o sa araw ng shipping.

    Ms. Clarissa's tip
  • Huwag ibyaheng busog o may laman ang butse ng manok. Dahil ang binabyaheng manok ay hindi magtutunaw at ang lagusan ng butse at hininga ay halos magkadikit kaya kapag may laman ang kanilang butse ay mahihirapan po silang huminga kaya maaari silang mamatay. 
  • Masamang masama na ikarga sa manok kapag ibinabyahe sila ay carbohydrate dahil mainit ito sa katawan kaya maari silang madisgrasya.

Shipment sa Eroplano

      Ang pinaka magandang oras ng shipment ng manok sa eroplano ay sa madaling araw. Kahit saan mang airport ay pilitin na makapasok sa first flight ang ibabyaheng manok. Kasi kapag ikinakarga sa cargo yung ating mga manok sa madaling araw kahit nakalantad lang yan sa bagon nila na lagayan ng cargo ay hindi sila mamamatay dahil hindi mainit. Samantalang kung mainit na alam naman natin na ikakarga yan kaya may posibilidad na doon palang ay maover heat na sila o maheatstroke.

Lagayan ng Manok

Sir Jap's demonstration
    Ang tamang lagayan ng manok ay hindi masyadong maliit ang box at hindi rin masyadong maluwag para hindi aalog-alog sa loob ang manok. Ang sapin ay mas maganda kung lalagyan ng sariwang dahon ng saging. makakasiguro tayo ng hindi ito mag-iinit sa loob o kung mag-init man ay madali ding lalamig. Siguraduhin lang na malinis ang saging at walang anomang insekto sa dahon dahil baka ito pa ang maging dahilan ng pagkadisgrasya ng ating mga manok. 







Pagpick-up sa Manok

   Sa pagpipick-up ng manok sa airport o kung saan man ay siguraduhin natin na ilagay muna natin sila sa may sariwang hangin o yung napapaspas ng hangin para yung oxygen sa loob ng box ay magcirculate ng maayos. Huwag na huwag bubuksan agad ang box. Mahalaga na mailagay muna sila sa maaliwalas na lugar para magpareho yung temperature sa loob at sa labas ng box, dahil may mga kaso na pagkuha ng manok sa kahon, sa kamay palang o pagbaba palang ng manok sa kahon ay mamamatay ang manok dahil na shock ito sa pagpalit ng klima o temperature. Buksan lang ng kaunti ang takip ng box sa maaliwalas na lugar. Kapag 10 to 15 minutes na ay pwede na iangat. Huwag muna spray-an, ilagay sa 3x3 na maaliwalas at may magandang daloy ng hangin para makapagrelax sila. Huwag na huwag muna paiinumin o patutukain. Hayaan muna natin sila ng mga 1 oras na makapagrelax, makapagstretching at magnormalize ang kanilang paghinga, kasi kapag humihingal pa at pinainom natin baka dahil don ay bigla nalang silang mamatay. Kapag normal na ang kanilang hingal o paghinga ay pwede na nating bigyan ng tubig na may pure electrolytes, 2 hanggang 3 dips lang at huwag sosobrahan dahil pag nasobrahan ng pag-inom ay baka mawalan ng malay o mamatay ng tuluyan. Pagkalipas ng 1 oras na nakainom sila ay bigyan ng kaunting soft na patuka hindi yung grains na matitigas, bigyan ng oatmeal na may kauting yogurt, ang yogurt ay mayroong moisture kaya talagang makakarecover sila.
   Bago magpaship o bumili ng manok sa mga breeder ay napakahalaga na malaman ang pinatutuka sa mga manok na ipadadala sa inyo dahil ito ang ipapatuka sa kanila o kung papalitan man ay dahan dahan lang o gradual lang para hindi sila maninibago dahil yung dati nilang patuka ang tutukain nila. Mahalaga ito para lesser ang stress nila dahil sa bagong environment nila.

Dagdag Kaalaman

     Pagdating ng manok sa farm, mahalaga na hindi muna natin sila ihalo sa mga manok natin dahil di natin sigurado kung may dalang virus o kung kaya nya yung existing na virus sa farm natin. Maganda kung iquarantine muna natin yung manok o di muna natin ihahalo sa ibang mga manok sa farm. Obserbahan natin sila kung may namuong sakit o mayroon talaga silang sakit, at dito mismo aymagagamot natin sila at di na sila mahahawahan pa o makakahawa pa sa ibang manok.


Source: Bakbakan Na! Shipment of Gamefowls

Credit to Sir Jap Gagalac who shared the knowledge about the topic, Ma'am Clarissa Salazar  who shared the video and also to Bakbakan Na where it was shared.

2 comments:

  1. boss magkano po ang bayad sa eroplano kapag 2 manok po mula general santos city papuntang iloilo po

    ReplyDelete
  2. boss pano pag ibebeyahe sa bus ganon din ba ung gagawin salamat

    ReplyDelete